Martes, Hunyo 25, 2013

KINULONG ANG BAYAN


            Ang Bayan ko ay Pilipinas at Ako ay isang Pilipino. Bilang isang Pilipino aking minabuti na piliing suriin ang akda na ito. Kung bakit? Ay para maunawaan ko pa lalo ang tulang ito ng hindi ko lamang kinakanta. Sa halip ay mas malaman ko kung bakit ito dapat kantahin. Ano nga ba ang pinagmulan nito? Ano nga ba ang nais ipahatid nito? Ano ang kahulugan sa likod ng tulang ito? Ang tulang bayan ko ay paulit-ulit na nating naririnig na inaawit o tiutula ngayon naman ay ating alamin kung ano nga ba talaga ang nais ipahiwatig ng tulang ito.
 Ang orihinal na bersiyon ng Bayan ko ay Spanish na isinulat ni José Alejandrino. Si Jose Corazon De Jesus naman ang sumulat ng Tagalog bersiyon nito at nilapatan naman ng awit ni Constancio de Guzman. Marami na ang gumawa ng iba’t-ibang bersiyon nito ng tula may Ingles (My Country) at Spanish (Nuestra Patria), gayundin naman sa kung paao ito aawitin. Ilan sa mga nagpasimuno na kantahin ito ay sina Freddie Aguilar, Lucio San Pedro, Asin at siempre si Constancio de Guzman.
Upang lalo natin itong maunawaan susuriin natin ang akda sa pamamagitan ng Historikal na dulog. Sapagkat makikita naman natin sa akda na ang nakatuon ang mensahe ng tula sa mga pangyayari sa ating inang bayan.
Kung pagbabatayan ang tulang ito kapansin-pansin na marami na talaga ang nagkaroon ng interes sa kantang ito. Nagpasalinsalin na sa bibig ng marami dahil pati sa mga eskwelahan, martsa, pagaalsa o presentasyon ay inaawit ito. Parte na nga ang “Bayan Ko” ng Kasaysayan ng Pilipinas. Kasaysayan na rin lang ang paguusapan ang dulog na ating ilalapat ay Historikal. Sapagkat ating aalamin kung bakit nga ba noon pa lamang ay inaawit na ito sa mga mahahalagang pangyayari sa bayan? Ayon sa website na tagalog.com ang kantang Bayan Ko ay naging pinaka popular na awitin sa Panahon ni diktatoryal ng dating Presidente Marcos.
BAYAN KO


Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.


At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.


Ibon mang may layang lumipad
kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!


Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

Katulad ng adhikaing sinasabi ng tulang ito marami sa atin ang nagnanais na makitang tunay na Malaya ang bayan. Ngunit Paano nga ba nagmula ang pagkakakulong ng bayan?
“At sa kanyang yumi at ganda“ Sinasabi nga sa kanta ang Pilipinas raw ay sadyang may angking yumi at ganda. Kung iisiping maigi hindi ba’t pag ang isang bagay ay may taglay na kagandahan marami ang nahuhumaling at pinagaagawan ito? Tama! Katulad na lamang ng pagaagawan ng ilang mga bansa sa bayan ng Pilipinas. Totoo nga siguro na kahali-halina ang bayan natin katulad ng sinasabi ng tulang ito.
Ang kagandahang taglay ng Pilipinas ay hayag na hayag sa mga likas na yamang mayroon ito. “Lupain ng ginto’t bulaklak” sabi sa tula na may katotohanan talaga. Sapagkat hindi lamang sa yamang mineral mayaman ang Pilipinas dahil maging sa mga natatanging halamang at pananim na mayroon ito. Ilan na riyan ay ang Saging at Mangga na talaga namang paborito ng maraming Pilipino. Magandang tanawin ba kamo? Nariyan ang Undderground River, Boracay White Beach, Pagudpud, Light House view sa Batanes, Chocolotae Hills at marami pang iba. Dahil sa angking kagandahan ng Pilipinas kaya nabuo rin ang kantang “Piliin mo ang Pilipinas” ni Angeline Quinto.
“Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.”

Nagsimula ito sa pananakop ng mga ibang bayan sa Pilipinas sa pangunguna’t pagdating ng sikat na sikat na si Ferdinand Magellan sa Homonhon. Ito ay sinundan pa ng ekspedisyon ni Miguel Lopez De Legazpi sa noong 1565. Ang mga kastila ay naghari sa ating bayan sa loob ng 333 na taon. Sa aking palagay ang 333 na taon ng pagkakakulong bayan ang sakit na sinasabi sa tula “Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak”. Ang haba ng panahon ng pananakop ng espaniyol ay hindi isang biro sapagkat halos sila na ang bumuo at humulma ng ating sariling lipunan. Wala tayong kalayaan mula sa kanilang mga kamay naka kulong tayo.
At sa naganap ng Digmaang Espaniyol-Amerika tuluyan na tayong nabingwit ng mga Amerikano. Matapos ang 333 na taon sa kamay ng mga Espaniyol tali naman ng mga Amerikano ang humila sa atin. Ang mga Pilipino at Amerikano ay nagkasundo pa na magtulungan na labanan ang espanya ngunit sa huli ay nakita ang tunay na pakay nila sa ating bayan.ang pagsakop na ito ay pinamunuan at pinangunahan nila Taft at Mc Arthur.
Hindi pa napagod ang ibang bayan na sakupin tayo kaya’t naganap ang Ikalawang digmaang pandaigdig na pinangunahan ng mga Hapones. Ang mga Hapones naman na ito ang sumunod na nagbalak sakupin ang ating bayan. Nabuo ang Hukbalahap na naglalayong labanan ang mga Hapones na nasa ating bayan.
Ano nga ba ang pakay nila sa atin? Ano pa nga ba kung hindi ang kagandahang taglay ng Pilipinas. Marami silang maaring gawin at ipagawa sa ating bayan na magbubunga ng malaking tulong at kapangyarihan sa kanilang bansa.
Ang Ikatlong Republika at Malayang Pilipinas ay naitatag matapos mapaalis ang mga mananakop sa ating bayan. Si Pangulong Manuel Roxas bilang unang Pangulo ng Malayang Pilipinas. Ang mga labanan, agawan sa lupa at pamunuan ay hindi pa rin tumigil at natapos. Bawat isa sa mga naging presidente simula kay Pres. Roxas hanggang Macapagal ay nagkaroon ng iba’t-iba at patuloy na mga isyu tungkol sa kasarinlan ng bayan.
Tunay nga ba na Malaya na tayo?
Sa pagsusuring ito natunghayan ko na hindi pa talaga tuluyang Malaya ang Pilipinas. Sinabi nga sa mga unang pagpapakahulugan na ang tulang ito ay sikat na inawit sa panahon ni dating president Marcos. Ano nga ba ang kaganapan sa panahon ni pangulong Marcos? Siya ay namuno sa ating bayan sa mga taon ng 1965-1986 ang kaniyag pamumuno ang nagdala sa Pilipinas sa rurok ng tagumpay. Ang pamunuan ni Marcos noon ay talaga namang maganda dahil siya ang nagpayaman sa ating bayan. Ang kaniyang plano sa bayan ay maganda talaga pero sa bandang huli siya ay naging sakim. (Sonio, 2009) Ang batas military ang nagpatunay ng pagkakakulong mga Pilipino. Ngunit ano nga ba ang batas militar? Ayon sa WikiFilipino website ang Isa sa mga layunin ng pagdedeklara ng Batas Militar ay ang pagtatatag ng isang bagong lipunang makatao, maka-Diyos at makabayan at may pitong haligi. Ito ay ang (1) pambansang pagkakaisa, (2) pambansang pagkakakilanlan, (3)kaunlaran at kasaganaan, (4) demokrasya salig sa maraming paglahok ng tao, (5) katarungang panlipunan, (6) internasyonalismo at pakikiisa sa sanlibutan at (7)kalayaan sa paniniwala. Pitong aspeto naman ang binibigyang-diin ng mga programang pangreporma: (1) ang katahimikan at katiwasayan, (2) lupa at sakahan, (3) kabuhayan, (4) edukasyon, (5) reorganisasyon ng pamahalaan, (6)paggawa at (7) serbisyong panlipunan. Kung pagninilayan ang mga layuning ito maganda ang nais ipahiwatig ngunit sa mga ngyari noong panahon ni Marcos ay saliwa sa kaniyang mga layuning nais. Ang pagawit ng mga mamayang Pilipino sa kantang ito ay nagpapahayag ng kanilang pagnanais na lumaya sa mga kamay ng dating pangulong Marcos. Natigil lamang ang paghahari ng batas militar dahil sa pagkilos ng simbahan na pinangunaha ng dating Santo Papa na si John Paul II.
Ang mga Pilipino ay nakaranas ng iba’t-ibang pananakop, pagsakop ng mga taga ibang bansa at maging ang sariling kalahi. Sa kasalukuyang panahon kung ating susuriin makikita na hindi pa talaga naging lubos ang kalayaan ng mga Pilipino. Hindi pa rin totoong nakakanta o natutula ng mga Pilipino ang mga linyang:
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.
Hindi pa lubos na nakakamit ang pangarap para sa bayan. May mga lugar pa rin sa Pilipinas na hindi na mga Pilipino ang namamayani ang ilan sa kanila ay Tsino, Hapon at Arabo. Hindi rin maitatanggi na ang mga Pilipino ay mas nagpapahalaga sa mga pamumuhay na meron ang ibang bayan. Paano? Bakit? Sapagkat patuloy tayong nahuhumaling sa mga Koreanoveal, Kpop, Korean Artist, Hollywood stars, Hollywood Songs at madami pang iba. Hindi man hayagan ang pananakop na ito kinakikitaan pa rin ito ng kalamangan ng ibang bayan sa ating bansa.
Ang mga Pilipino sa kasalukyang panahon ay nahohook pa rin sa kabuhayang mayroon ang ibang bayan. Ag kasaysayan ng walang laying Pilipinas ay wala pa ring kalayaan sa kasalukuyang panahon. Hindi man tayo literal na sakop ng malalaking bansa sakop naman tayo sa paraan kung paano tayo mabuhay. Ang pamumuhay ng mga Pilipino ay nagpapakita ng buhay na may pananakop pa rin.
            Ang mga Pilipino sa kasalukuyan ay bumubo pa rin ng kasaysayan ng may pananakop. Pananakop ng mga taga ibang bansa hindi man sa literalna paraan sa kagustuhan at sosyalidad na pamumuhay.
Sanggunian:








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento