Martes, Hunyo 25, 2013

Ang Laban ni Kapitan Selo

Ang hindi pagpansin at kawalang respeto ng mga tao sa salitang “magsasaka” o sa isang magsasaka na mismo , ang naging inspirasyon ng manunulat na si Rogelio Sikat para isulat ang akdang Tata Selo. Mula pa lamang sa pamagat ng akda na “Tata Selo” ating malalaman na ang kwento nito ay nakapokus mismo sa pangunahing tauhang si Selo. Sino nga ba si Tata selo? Si Tata Selo ay isang biyudong magsasaka, mayroong isang anak si saling at napabalitang nakapatay sa kabesa de barangay. Marami sa atin ang hindi nakikita ang kahalagahan ng gampaning ginagalawan ng isang magsasaka sa ating lipunan. Kaya naman ang iilan sa atin ay minamaliit lamang sila tinuturing nasa pinakahuli sa listahan ng hanapbuhay.
            Ang layunin ng pagsusuring ito ay malaman at Makita kung nakipaglaban ba ang katauhan ni Tata Selo sa akda. Nanatili bang talunan si Tata Selo? May punto rin ba sa kaniyang buhay na siya ay lumaban?  Ang katauhan ni Tata Selo bilang magsasaka ang ating susuriin, paano nga ba siya nakipagsabayan sa buhay?
            Upang lalo nating maunawaan ang laban ng tauhang si Selo gagamitin natin ang dulog na binigyang buhay ni Karl Marx ang Marxismo.  Ayon sa website na Wikipedia ang Marxismo ay naniniwalang ang lahat ng mga lipunan ay sumusulong sa pamamagitan ng dialektiko ng pakikibaka ng klase. Ito ang alitan sa pagitan ng klase nag-aari na kumokontrol ng produksiyon at isang mas mababang klase na lumilikha ng paggawa para sa mga kalakal. Kung susuriin ang kahulugang ito lumalabas na ang Marxismo ay nakatuon sa mga pwersang bumubuo ng dibisyon. Mayroong labanan sa pagitan ng dalawang panig na may magkaibang layunin. Tutuklasin natin kung anong laban ang ginawa ng tauhang si Selo.
            Likas na sa buhay ng isang tao ang pagharap niya sa iba’t ibang laban sa buhay. Laban ng pag-ibig, laban ng pamilya, laban ng karapatan, laban ng pagkakakilanlan, laban ng lahi, laban ng teritoryo at marami pang ibang labanan.  At sa bawat pagharap niya sa laban maari siyang magwagi o maging talunan. Ang pagiging isang tao ay pagiging fighter o kabalyero na handang lumaban sa anumang oras sa kahit anong paraan. Si Tata Selo ay may pinaglalaban walang iba kundi ang kaniyang lupaing sinasaka. Ito lamang ang kaniyang kinabubuhay ay ipinambubuhay sa pamilya. Tinanggalan siya na karapatan at wala siyang kalaban laban dahil may kapit ang kaniyang mga katunggali. Pero ito ay hindi ininda ni Tata Selo dahil sa kahalagahan ng kaniyang lupang sinasaka ipinaglaban ni Tata Selo ang kaniyang sarili, karapatan at pamilya. Sino ang mga nakalaban ni Tata Selo? May iba pa bang nakipaglaban maliban sa kaniya? May iba pa bang tauhang naglalaban sa akda?
            Labanan na rin lang ang pinagtutuunang pansin ituloy tuloy na natin ito. Dahil aangkop sa kwento ni Tata Selo ang dulog na Marxismo. Paano? Bakit? Katulad nga ng aking mga sinabi kanina susuriin natin ang iba’t-ibang tunggalian. Labanan ng mayaman o mahirap, tama o mali, nakaangat o kinakawawa at marami pang mga dibisyon sa kwento.
Tata Selo vs. Binatang Mayaman
            Ang binatang mayamang ito ang kauna-unahang umusig kay Tata Selo noong siya ay nasa iskated. Tinatanong niya si Tata Selo kung bakit at paano niya napatay si Kabesang tano. Sa pamamagitan ng pagsasalasay kung ano ang tunay na ngyari simula sa simula ipinaliwang ito ng matanda sa binata.
            Hindi lamang sa kwentong ito na mamayani ang ganitong gawi. Ang ganitong labanan ng mayaman at mahirap ay parang sina Alden Richards at Lauren Young sa Mundo mo’y akin. Ang Lola ni Lauren na si Jackelyn Jose ay hindi sumasangayon sa relasyon ng dalawa dahil sa mahirap lamang si Jerome at mayaman naman si Darlene. Hindi raw tumagma ang status nilang dalawa. Hindi lang naman sa pagibig ang usaping status qou dahil sa kahit anong aspekto nababangga ito. Napaisip ako ano nga kayang palagay o pagiisip ng mga taong mayayaman sa mahihirap?

Tata Selo vs. Presidente o Alkalde Mayor
            Bilang isang opisyal ng pamahalaan hindi na pabayaan ng Alkalde na asikasuhin ang ganitong mga pangyayari. Subalit makikita sa akda na hindi na ata napansin ng alkalde na mas matanda ang kaniyang kinakausap kung bakit? Dahil nangibabaw sa kaniya ang pagiging may katungkulan niya habang inuusig niya sa Tata Selo.
            Hindi naman maikakailala na may iilang mga tao na Powertrip at Over power talaga. Paano ito nagiging sistema? Sa kasalukuyang panahon mayroon tayong dynastiya na tinatawag na ang mga magkakamaganak lamang ang siyang ngapapalitan sa pamamahala sa bansa. Ang Alkalde Mayor ay may pagkakatulad sa mga namumuno sa panahon ni Kabesang Tales naubos na ang salapi na mayroon ang kabesa subalit wala pa ring ngyari. Pinanigan na ng gobyerno ang mga Pari kesa sa isang magsasakang naghihirap na.


Tata Selo vs. Hepe
            Katulad ng Alkalde ginamit din ng Hepe ang kaniyang katungkulan upang ipakita na siya ay mas malakas kaysa sa matanda. Nagawa ng Hepe na saktan si Tata Selo kahit alam nito na siya ay matanda na. Halata ang galit na nangingibabaw sa Hepe habang sinasaktan ang matanda. Ano nga kaya ang nagudyok sa Hepe ng ganun pamamaraan? Ano ang koneksiyon niya sa Kabesa?
            Ang mga Kapulisan sa kasalukuyan ay katulad rin ng mga kapulisan noon. Dahil sa alam nila na walang laban ang mga nasa mababang antas ng lipunan pinagsasamantalahan nila ito. Paano ba sila nagiging mapagsamantala ngayon? Sa pamamagitan ng pangongotong sa kanilang mga nahuhuli. Sa isang palabasa sa telebisyon Love and Lies GMA 7 sa katauhan ni Paolo Contis bilang pulis. Naging kasabwat siya ng may mga kasalanan at pinagtangkaan niya ring angkinin ang ransom money na para sa kidnapping group. Ayon sa balita ni Ian Cruz ng GMA7 (2013) Isang Ploice na nagngangalang Senior Inspector Binayug ang kinasuhan dahil sa pananakit nito at pagtorture sa isang Holdaper noong 2010. Ang suspek ay nahuli na simula noong ito ay nagtago kasama ang ilan pa nitong mga kasamahan na hindi pa rin nakikita. Kung susuriin si Tata selo ay hindi pa gaanong sinaktan ng Hepe kumapara sa balita na tinorture ito habang hubo’t hubad. “Sinapok ng Hepe si Tata selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.” Larawang ng pagpapasakit ng Hepe kay Tata sElo.
Tata Selo vs. Kabesang Tano
            Si Kabesang Tano ag pinagsanlaan ni Tata Selo ng kaniyang lupain. Sa paglipas ng panahon pinili ng Kabesa na palayasin na si Tata selo dahil tuluyan ng siya ang nagmamay-ari ng lupain. Bukod pa roon ay may iba na raw na magsasaka ng lupain. Hindi naman naisip ng Kabesa na matanda na si Tata Selo at ito na lamang ang kaniyang pinagkukunan ng kabuhayan. Tinungkod ng Kabesa si Tata Selo na may wikang pagpapalayas kaya’t walang nagawa si Tata selo kung hindi tagain ito at ipaglaban ang sarili.
            Kagaya pa rin ni Tata Selo, Mayayaman pa rin ang namumuno sa pagpapatakbo ng isang lupain, sila pa rin ay sikat bilang Don at Donya.Hindi pa rin nabibigyang pansin ang mga taong nagsasaka sa lupain sa halip ay patuloy pa rin sila sa pagasa na mapupunta sa kanila ang lupaing inaalagaan. Ang Hacienda Luisita ang lupaing matagal ng pinagwwawayan sa ating bayan ay nanatili pa rin sa ganoong konstruksiyon. Ayon kay Lim ang 10,000 acres na lupain ng mga Aquino ay ipinaglalaban pa rin sa Supreme Court na mapunta sa mga taong matagal na itong ipinaglalaban para pagmayarian. Ang kaparehong kwento nito ay hindi nalalayo sa Hacienda na pagmamay-ari ng pamilya ni Dr. Jose Rizal na pinagaagawan rin ng mga Prayle at Pamilya ni Dr. Rizal.
            Ang pagpatay ni Tata Selo sa Kabesang Tano ay nagpapakita pa rin ng kaniyang pagkapanalo. Sa ganito mang paraan niya nadaan ang pangyayari, alam niya na ito na ang kaniyang huling sandata para sa malupit na Kabesa.
            Ayon sa BATAS REPUBLIKA BLG. 6657 (1988) Ang programang repormang pansakahan ay nakasalig sa karapatan ng mga magsasaka at regular na mga manggagawa sa bukid, na walang mga lupa, na tuwiran o sama-samang magmay-ari ng mga lupang kanilang sinasaka o sa kalagayan ng iba pang mga manggagawa sa bukid, tumanggap ng karapatang kaparte sa mga bunga niyon. Tungo sa layuning ito, dapat mapasigla at maisagawa ng Estado ang makatwirang pamamahagi ng lahat ng mga lupang pansakahan, na sasailalim sa mga prayoriti at sa matitirang sukat na itinakda ng Batas na ito, na nagsasaalang-alang sa mga konsiderasyong pang-ekolohiya, pangkaunlaran, at pagkamakatarungan, at batay sa pagbabayad ng makatwirang kabayaran. Dapat igalang ng Estado ang mga karapatan ng maliliit na may-ari ng lupa, at dapat maglaan ng mga insentibo para sa boluntaryong pagbabahagi ng lupa.
            Ang mga katulad ni Tata Selo ay nagkaroon na ng laban sa mga nagmamay-ari ng lupa sila na rin ay may karapatan sa lupang sa kanilang sinasaka.
Tata Selo vs. mga Chismoso
            “Naggigitgitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan. “ Isang Scenario sa akda na nagpapakita ng paguusisa ng mga tao sa kung ano ang tunay na ngyari. “Totoo ba, Tata Selo?” Dinagdagan pa ng mga naguusisa na ito ang tensiyong nararamdaman ni Tata Selo sa mga oras na iyon. Walang tigil sa pagtatanong ng mga ngyari.
            Ang pagiging pakialamero o intrusive daw ay parte na ng tradisyong Pilipino. Hindi masamang mayroon tayong alam. Ang hindi maganda doon ay pag nagiging usisero ang isang tao, pumapasok ang kaniyang pagiging mapanghusga o judgmental. (Great Kirby, 2013) Likas na ata ito sa mga Pilipino, napansin ko rin sa kasi sa mga palabas sa telebsiyon na imbis na magtulong tulong s apagtwag ng saklolo o pulis ang mga tao ay magsisiksikan at magkukumpulan para aunang malaman ang mga ngyayari. Batay na rin sa sariling karanasan sa pagtsitsismis mabilis talaga itong kumalat lalo na kung ang tao ay maraming pingasabihan tungkol rito. Magugulat ka na lamang na alam nan g mga tao nahusgahan ka na ikaw na lamag magisa. Pati na rin ang mga Kaparian ay hindi nakalusot s apagiging tsismoso. Ayon kay Garcia (2013)  Kinondena ni Albay Representative Edcel Lagman ang mga pa­ring ‘tsismoso’ na pati ang sikretong kum­pisal ng mga katoliko ay ka­nila umano ng ibinibisto. Ito ay matapos na sabihin umano ni Father Melvin Castro, Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na napansin nila sa mga katoliko na dumarami ang mga nangungum­pisal ng kasalanan sa paggamit ng artificial contraceptives at hu­mingi ng patawad dito dahil nagising sa matin­ding oposisyon ng simbahan sa RH law. Hindi lamang pala kasi pangkaraniwag tao ang gumagawa nito lahat. Kaya nga siguro mayroong mga palabas tulad ng Showbiz Central, The Buzz, Paparazzi at Madami pang iba.
            Naging malabis ang mga tsismosong ito sa buhay ni Tata Selo. Subalit ang matanda ay hindi ininda ang kalupitang ito. Ginawa niya pa rin ang lahat at ipagsigawan sa buong mundo na siya ay lumaban para mailigtas ang sarili niya.
Tata Selo vs. Isang Bata
            Tanging ang kasipan lamang ng batang ito ang nakaunawa sa kalagayan ng Tata Selo. Pinakita ng tauhang ito ang kababaang loob at pagkakaroon ng unawa sa sitwasyon ni Tata Selo. Ang katauhan ng bata ang nagpamulat sa isipan ni Tata Selo na may pagasa pa rin pala. Paano ito ipinakita ng bata sa matanda? Dahil kahit sa murang edad pa lamang ng batang ito nakitaan na siya ng katapangan sa pagharap sa anumang mga problema sa buhay.
            Ang batang Si Cris “Kesz” Valdez ang tinanghal na International Children's Peace Price Awardee ng taong 2012. Sa gulang na labintatlo, nakalikom ang kanyang “Championing Community Children” ng pondo sa pamamagitan ng pagtitinda ng kandila upang magbigay ng “Hope Gifts” (mga tsinelas, laruan, kendi, damit at pangunahing pangangailangan) sa mga batang nangangailangan sa Lunsod ng Cavite. Natulungan niya ang may sampung libong kabataan na biktima ng pang-aabuso, karahasan at paggawa ang karamihan. Tinutustusan niya rin ang kalusugan at kalinisan, maging ang karapatan ng mga kabataan.
Katulad ng bata sa kwento si Kesz ay tumayo na hindi parang isang bata kung hindi matanda. Sapagkat ibinigay niya kung ano nga ba dapat ang iniisip ng isang bata sa kasalukuyan namulat ang kaniyang mata sa katotohanan tungkol sa buhay dito sa mundo.  Ang bata sa kwento at si kesz ay namulat na ang mundo ay hindi katulad ng inaasahang laro ng isang bata. Ang mundo ay puno ng pagsubok na kahit bat aka pa laamng dapat ka ng makatayo sa sitwasyong ito.
            Ang pagkakamulat ng mata ng bata sa katotohanan ang naging sandata niya sa pagtulong sa katauhan ni Tata Selo sa kwento. Ang kwento at eksplanasyon ni Tata Selo ang naging dahilan para sa murang isipan ng bata siya ay mahasa na. Salamat sa tulong ng kwento Tata Selo na naging daan sa pagkamulat ng mata ng bata.
Tata Selo vs. Saling
            Ang anak ni Tata Selo na si Saling ay namamasukan bilang isang katulong kina Kabesang Tano.  Sinasabi ni Tata Selo sa anak na ito raw ay may sakit at kinakailangan ng umuwi. Inutusan din ni Tata Selo ang bata para sunduin si Saling na nasa silid ng Alkalde. Ngunit hindi nagtagumpay ang bata at si Tata Selo hindi nila nasundo si Saling dahil walang sino man ang nkakapasok sa silid ng alkalde. Ano kaya ang kinahinatnan ni Saling para magwika si Tata Selo sa huling bahagi na ang “lahat ay kinuha na sa kaniya”?
Ang karapatan ng mga kababihan at kabataan ay:
Ito ang mga karapatan ng bata sa sumusunod:
1. Bawat bata ay may karapatang mabuhay.
2. Bawat bata ay may karapatang mabigyan ng sapat na pagkain at malinis na tubig
3. bawat bata ay may karapatan magpahayag ng sarili
4. Ang parusang kamatayan at ang panghabangbuhay na pagkakakulong na tinatawag na mga capital punishment ay hindi dapat ipataw sa bata para sa krimen na kanyang ginawa bago siya tumuntong ng 18 taong gulang.
5. Hindi dapat mapasailalim ang mga batasa pagpapahirap at sa hindi makataong mga parusa.
6. Tungkulin ng pamahalaan na bigyan ng proteksyon ang mga bata sa panahon ng giyera.
            Si Saling ay alam naman nating minored edad pa lamang at kasapi pa sa katuparan ng karapatan ng kabataan. Ngunit kung oobserbahang maigi ay hindi pa talaga ito nakamit ng husto ni Saling sapagkat sa murang edad siya ay inalipin at pinagsamantalahan ng mga dapat ay tumutulong sa kaniya. Sa halip na pagtulong at pagligatas sa kaniya nakita sa kwento ang pagmamalupit sa kaniyang kahinaan bilang isang babae.
            Ang Ama ni Saling na si Tata Selo ay nagpakita ng pagibig sa kaniyang anak dahil kahit na siya ay nakakulong at wala ng magawang paraan para sa kaligtasan ng anak, pinili pa rin niya na gawan ito ng paraan. Inutusan niya ang bata. Sa huli kahit hindi napauwi sa Saling dahil sa nasa kamay ito ng my posisyon ginawa pa rin ni Tata Selo ang lahat.
Tata Selo vs. Tata Selo
            “Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat ay ang lahat ay kinuha na sa kanila.” Si Tata Selo na pangunahing tauha sa kwento ay hayagang ding nakipagtungali sa kaniyang sarili. Simula ng piliin niyang patayin ang Kabesang Tano para ipagtanggol ang sarili. Ang pagtatanggol niya sa sarili at karapatan ang nagdulot sa kaniya ng pagkikipagtunggali sa iba pang mga tauhan sa kwento.
            Ang akdang Tata Selo ay nagpakita ng iba’t-ibang tunggalian sa mga mamayan ng lipunan. Nagkaroon ng dibisyon sa kung sino ang nagwagi at kung sino ang nagtagumpay sa hamon ng sitwasyon. Sa kwento ni Tata Selo matapang niyang ipangtanggol ang kaniyang sarili dahil naniniwala siya na wala ng patas sa batas. Inilagay ni Tata Selo sa kaniyang kamay ang batas.  Kung ating pagtutuunan ng pansinin ang mga nagingpagtugon ni Tata Selo sa bawat sitwasyon nagpakita siya ng paglaban hanggang sa huli. Hindi lingid sa kaalaman niya na siya ay matanda na at mahina. Nakuha man ang lahat sa kaniya nanatili pa ring matikas siya na ipaglaban ang sarili kahit alam niya na malakas ang may mga katungkulan. Hindi niya inalintana ang kalakasan ng kalaban ngunit ipinagpatuloy ang laban kahit sa lagay niya ay dehado na siya.



Sanggunian:









1 komento:

  1. Casinos Near Casinos Near Bryson City - MapYRO
    Find Casinos 동해 출장샵 Near Bryson City, 공주 출장안마 Bryson 김해 출장안마 City in Bryson City, NC. 안산 출장마사지 near Bryson City Casino Hotel, Hotel & Spa, Casino 울산광역 출장안마 & Lodge, and Bar.

    TumugonBurahin