ngayon hindi na ako nakakulong sa isa o iilang tao lamang. mas masaya pala. pag mas maraming nasasamahan katulad ng dati. yung walang paglilimit yung walang pagdidikta yung walang pag iisip kung sasamahan mo ba o hindi. yung hindi puro "ui' "hi" "musta"
yung masaya yung may samahan.
yung katulad nung hayskul. katulad noon.
3 taon din akong nanatili sa iilan lang na kasama. mas masaya na naabot mo rin ang ibang tao, yung umaalis ka sa comfort zone. marami kang nakikilala. marami kang natututunan at marami kang naiinspire na tao. nakakatuwa. :")
#kaibigantomgakaibigan
ang aking binagong buhay :)
Miyerkules, Hunyo 26, 2013
Martes, Hunyo 25, 2013
Ang Laban ni Kapitan Selo
Ang hindi pagpansin at kawalang respeto ng
mga tao sa salitang “magsasaka” o sa isang magsasaka na mismo , ang naging
inspirasyon ng manunulat na si Rogelio Sikat para isulat ang akdang Tata Selo.
Mula pa lamang sa pamagat ng akda na “Tata Selo” ating malalaman na ang kwento
nito ay nakapokus mismo sa pangunahing tauhang si Selo. Sino nga ba si Tata
selo? Si Tata Selo ay isang biyudong magsasaka, mayroong isang anak si saling
at napabalitang nakapatay sa kabesa de barangay. Marami sa atin ang hindi
nakikita ang kahalagahan ng gampaning ginagalawan ng isang magsasaka sa ating
lipunan. Kaya naman ang iilan sa atin ay minamaliit lamang sila tinuturing nasa
pinakahuli sa listahan ng hanapbuhay.
Ang
layunin ng pagsusuring ito ay malaman at Makita kung nakipaglaban ba ang
katauhan ni Tata Selo sa akda. Nanatili bang talunan si Tata Selo? May punto
rin ba sa kaniyang buhay na siya ay lumaban? Ang katauhan ni Tata Selo bilang magsasaka ang
ating susuriin, paano nga ba siya nakipagsabayan sa buhay?
Upang
lalo nating maunawaan ang laban ng tauhang si Selo gagamitin natin ang dulog na
binigyang buhay ni Karl Marx ang Marxismo. Ayon sa website na Wikipedia ang Marxismo ay naniniwalang ang lahat ng
mga lipunan ay sumusulong sa pamamagitan ng dialektiko ng pakikibaka ng
klase. Ito
ang alitan sa pagitan ng klase nag-aari na kumokontrol ng produksiyon at isang
mas mababang klase na lumilikha ng paggawa para sa mga kalakal. Kung susuriin
ang kahulugang ito lumalabas na ang Marxismo ay nakatuon sa mga pwersang
bumubuo ng dibisyon. Mayroong labanan sa pagitan ng dalawang panig na may
magkaibang layunin. Tutuklasin natin kung anong laban ang ginawa ng tauhang si
Selo.
Likas na sa buhay ng isang tao ang pagharap niya sa iba’t
ibang laban sa buhay. Laban ng pag-ibig, laban ng pamilya, laban ng karapatan,
laban ng pagkakakilanlan, laban ng lahi, laban ng teritoryo at marami pang
ibang labanan. At sa bawat pagharap niya
sa laban maari siyang magwagi o maging talunan. Ang pagiging isang tao ay
pagiging fighter o kabalyero na handang lumaban sa anumang oras sa kahit anong
paraan. Si Tata Selo ay may pinaglalaban walang iba kundi ang kaniyang lupaing
sinasaka. Ito lamang ang kaniyang kinabubuhay ay ipinambubuhay sa pamilya.
Tinanggalan siya na karapatan at wala siyang kalaban laban dahil may kapit ang
kaniyang mga katunggali. Pero ito ay hindi ininda ni Tata Selo dahil sa
kahalagahan ng kaniyang lupang sinasaka ipinaglaban ni Tata Selo ang kaniyang
sarili, karapatan at pamilya. Sino ang mga nakalaban ni Tata Selo? May iba pa
bang nakipaglaban maliban sa kaniya? May iba pa bang tauhang naglalaban sa akda?
Labanan na rin lang ang pinagtutuunang pansin ituloy
tuloy na natin ito. Dahil aangkop sa kwento ni Tata Selo ang dulog na Marxismo.
Paano? Bakit? Katulad nga ng aking mga sinabi kanina susuriin natin ang
iba’t-ibang tunggalian. Labanan ng mayaman o mahirap, tama o mali, nakaangat o
kinakawawa at marami pang mga dibisyon sa kwento.
Tata Selo vs. Binatang
Mayaman
Ang binatang mayamang ito ang kauna-unahang umusig kay
Tata Selo noong siya ay nasa iskated. Tinatanong niya si Tata Selo kung bakit
at paano niya napatay si Kabesang tano. Sa pamamagitan ng pagsasalasay kung ano
ang tunay na ngyari simula sa simula ipinaliwang ito ng matanda sa binata.
Hindi lamang sa kwentong ito na mamayani ang ganitong
gawi. Ang ganitong labanan ng mayaman at mahirap ay parang sina Alden Richards
at Lauren Young sa Mundo mo’y akin. Ang Lola ni Lauren na si Jackelyn Jose ay
hindi sumasangayon sa relasyon ng dalawa dahil sa mahirap lamang si Jerome at
mayaman naman si Darlene. Hindi raw tumagma ang status nilang dalawa. Hindi
lang naman sa pagibig ang usaping status qou dahil sa kahit anong aspekto
nababangga ito. Napaisip ako ano nga kayang palagay o pagiisip ng mga taong
mayayaman sa mahihirap?
Tata Selo vs. Presidente o
Alkalde Mayor
Bilang isang opisyal ng pamahalaan hindi na pabayaan ng
Alkalde na asikasuhin ang ganitong mga pangyayari. Subalit makikita sa akda na
hindi na ata napansin ng alkalde na mas matanda ang kaniyang kinakausap kung
bakit? Dahil nangibabaw sa kaniya ang pagiging may katungkulan niya habang
inuusig niya sa Tata Selo.
Hindi naman maikakailala na may iilang mga tao na
Powertrip at Over power talaga. Paano ito nagiging sistema? Sa kasalukuyang
panahon mayroon tayong dynastiya na tinatawag na ang mga magkakamaganak lamang
ang siyang ngapapalitan sa pamamahala sa bansa. Ang Alkalde Mayor ay may
pagkakatulad sa mga namumuno sa panahon ni Kabesang Tales naubos na ang salapi
na mayroon ang kabesa subalit wala pa ring ngyari. Pinanigan na ng gobyerno ang
mga Pari kesa sa isang magsasakang naghihirap na.
Tata Selo vs. Hepe
Katulad ng Alkalde ginamit din ng Hepe ang kaniyang
katungkulan upang ipakita na siya ay mas malakas kaysa sa matanda. Nagawa ng
Hepe na saktan si Tata Selo kahit alam nito na siya ay matanda na. Halata ang
galit na nangingibabaw sa Hepe habang sinasaktan ang matanda. Ano nga kaya ang
nagudyok sa Hepe ng ganun pamamaraan? Ano ang koneksiyon niya sa Kabesa?
Ang mga Kapulisan sa kasalukuyan ay katulad rin ng mga
kapulisan noon. Dahil sa alam nila na walang laban ang mga nasa mababang antas
ng lipunan pinagsasamantalahan nila ito. Paano ba sila nagiging mapagsamantala
ngayon? Sa pamamagitan ng pangongotong sa kanilang mga nahuhuli. Sa isang
palabasa sa telebisyon Love and Lies GMA 7 sa katauhan ni Paolo Contis bilang
pulis. Naging kasabwat siya ng may mga kasalanan at pinagtangkaan niya ring
angkinin ang ransom money na para sa kidnapping group. Ayon sa balita ni Ian
Cruz ng GMA7 (2013) Isang Ploice na nagngangalang Senior Inspector Binayug ang
kinasuhan dahil sa pananakit nito at pagtorture sa isang Holdaper noong 2010.
Ang suspek ay nahuli na simula noong ito ay nagtago kasama ang ilan pa nitong
mga kasamahan na hindi pa rin nakikita. Kung susuriin si Tata selo ay hindi pa
gaanong sinaktan ng Hepe kumapara sa balita na tinorture ito habang hubo’t
hubad. “Sinapok ng Hepe si Tata selo. Sa
lapag, halos mangudngod si Tata Selo.” Larawang ng pagpapasakit ng Hepe kay
Tata sElo.
Tata Selo vs. Kabesang Tano
Si Kabesang Tano ag pinagsanlaan ni Tata Selo ng kaniyang
lupain. Sa paglipas ng panahon pinili ng Kabesa na palayasin na si Tata selo
dahil tuluyan ng siya ang nagmamay-ari ng lupain. Bukod pa roon ay may iba na
raw na magsasaka ng lupain. Hindi naman naisip ng Kabesa na matanda na si Tata
Selo at ito na lamang ang kaniyang pinagkukunan ng kabuhayan. Tinungkod ng
Kabesa si Tata Selo na may wikang pagpapalayas kaya’t walang nagawa si Tata
selo kung hindi tagain ito at ipaglaban ang sarili.
Kagaya pa rin ni Tata Selo, Mayayaman pa rin ang namumuno
sa pagpapatakbo ng isang lupain, sila pa rin ay sikat bilang Don at Donya.Hindi
pa rin nabibigyang pansin ang mga taong nagsasaka sa lupain sa halip ay patuloy
pa rin sila sa pagasa na mapupunta sa kanila ang lupaing inaalagaan. Ang
Hacienda Luisita ang lupaing matagal ng pinagwwawayan sa ating bayan ay
nanatili pa rin sa ganoong konstruksiyon. Ayon kay Lim ang 10,000 acres na
lupain ng mga Aquino ay ipinaglalaban pa rin sa Supreme Court na mapunta sa mga
taong matagal na itong ipinaglalaban para pagmayarian. Ang kaparehong kwento
nito ay hindi nalalayo sa Hacienda na pagmamay-ari ng pamilya ni Dr. Jose Rizal
na pinagaagawan rin ng mga Prayle at Pamilya ni Dr. Rizal.
Ang pagpatay ni Tata Selo sa Kabesang Tano ay nagpapakita
pa rin ng kaniyang pagkapanalo. Sa ganito mang paraan niya nadaan ang
pangyayari, alam niya na ito na ang kaniyang huling sandata para sa malupit na
Kabesa.
Ayon sa BATAS REPUBLIKA BLG. 6657 (1988) Ang programang
repormang pansakahan ay nakasalig sa karapatan ng mga magsasaka at regular na
mga manggagawa sa bukid, na walang mga lupa, na tuwiran o sama-samang
magmay-ari ng mga lupang kanilang sinasaka o sa kalagayan ng iba pang mga
manggagawa sa bukid, tumanggap ng karapatang kaparte sa mga bunga niyon. Tungo
sa layuning ito, dapat mapasigla at maisagawa ng Estado ang makatwirang
pamamahagi ng lahat ng mga lupang pansakahan, na sasailalim sa mga prayoriti at
sa matitirang sukat na itinakda ng Batas na ito, na nagsasaalang-alang sa mga
konsiderasyong pang-ekolohiya, pangkaunlaran, at pagkamakatarungan, at batay sa
pagbabayad ng makatwirang kabayaran. Dapat igalang ng Estado ang mga karapatan
ng maliliit na may-ari ng lupa, at dapat maglaan ng mga insentibo para sa
boluntaryong pagbabahagi ng lupa.
Ang mga katulad ni Tata Selo ay nagkaroon na ng laban sa
mga nagmamay-ari ng lupa sila na rin ay may karapatan sa lupang sa kanilang
sinasaka.
Tata Selo vs. mga Chismoso
“Naggigitgitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan.
“ Isang Scenario sa akda na nagpapakita ng paguusisa ng mga tao sa kung ano ang
tunay na ngyari. “Totoo ba, Tata Selo?” Dinagdagan pa ng mga naguusisa na ito
ang tensiyong nararamdaman ni Tata Selo sa mga oras na iyon. Walang tigil sa
pagtatanong ng mga ngyari.
Ang pagiging pakialamero
o intrusive daw ay parte na ng tradisyong Pilipino. Hindi masamang
mayroon tayong alam. Ang hindi maganda doon ay pag nagiging usisero ang isang
tao, pumapasok ang kaniyang pagiging mapanghusga o judgmental. (Great
Kirby, 2013) Likas na ata ito sa mga Pilipino, napansin ko rin sa kasi sa mga
palabas sa telebsiyon na imbis na magtulong tulong s apagtwag ng saklolo o
pulis ang mga tao ay magsisiksikan at magkukumpulan para aunang malaman ang mga
ngyayari. Batay na rin sa sariling karanasan sa pagtsitsismis mabilis talaga
itong kumalat lalo na kung ang tao ay maraming pingasabihan tungkol rito.
Magugulat ka na lamang na alam nan g mga tao nahusgahan ka na ikaw na lamag
magisa. Pati na rin ang mga Kaparian ay hindi nakalusot s apagiging tsismoso.
Ayon kay Garcia (2013) Kinondena
ni Albay Representative Edcel Lagman ang mga paring ‘tsismoso’ na pati ang
sikretong kumpisal ng mga katoliko ay kanila umano ng ibinibisto. Ito ay
matapos na sabihin umano ni Father Melvin Castro, Executive Secretary ng
Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na napansin nila sa mga
katoliko na dumarami ang mga nangungumpisal ng kasalanan sa paggamit ng
artificial contraceptives at humingi ng patawad dito dahil nagising sa matinding
oposisyon ng simbahan sa RH law. Hindi lamang pala kasi pangkaraniwag tao ang
gumagawa nito lahat. Kaya nga siguro mayroong mga palabas tulad ng Showbiz
Central, The Buzz, Paparazzi at Madami pang iba.
Naging malabis ang mga tsismosong ito sa buhay ni Tata
Selo. Subalit ang matanda ay hindi ininda ang kalupitang ito. Ginawa niya pa
rin ang lahat at ipagsigawan sa buong mundo na siya ay lumaban para mailigtas
ang sarili niya.
Tata Selo vs. Isang Bata
Tanging ang kasipan lamang ng batang ito ang nakaunawa sa
kalagayan ng Tata Selo. Pinakita ng tauhang ito ang kababaang loob at
pagkakaroon ng unawa sa sitwasyon ni Tata Selo. Ang katauhan ng bata ang
nagpamulat sa isipan ni Tata Selo na may pagasa pa rin pala. Paano ito
ipinakita ng bata sa matanda? Dahil kahit sa murang edad pa lamang ng batang
ito nakitaan na siya ng katapangan sa pagharap sa anumang mga problema sa
buhay.
Ang batang Si Cris “Kesz” Valdez ang tinanghal na International Children's Peace
Price Awardee ng taong 2012.
Sa gulang na labintatlo, nakalikom ang kanyang “Championing Community Children” ng pondo sa pamamagitan ng pagtitinda
ng kandila upang magbigay ng “Hope
Gifts” (mga tsinelas, laruan,
kendi, damit at pangunahing pangangailangan) sa mga batang nangangailangan sa
Lunsod ng Cavite. Natulungan niya ang may sampung libong kabataan na biktima
ng pang-aabuso, karahasan at paggawa ang karamihan. Tinutustusan niya rin ang
kalusugan at kalinisan, maging ang karapatan ng mga kabataan.
Katulad ng bata sa kwento si Kesz ay tumayo
na hindi parang isang bata kung hindi matanda. Sapagkat ibinigay niya kung ano
nga ba dapat ang iniisip ng isang bata sa kasalukuyan namulat ang kaniyang mata
sa katotohanan tungkol sa buhay dito sa mundo.
Ang bata sa kwento at si kesz ay namulat na ang mundo ay hindi katulad
ng inaasahang laro ng isang bata. Ang mundo ay puno ng pagsubok na kahit bat
aka pa laamng dapat ka ng makatayo sa sitwasyong ito.
Ang
pagkakamulat ng mata ng bata sa katotohanan ang naging sandata niya sa
pagtulong sa katauhan ni Tata Selo sa kwento. Ang kwento at eksplanasyon ni
Tata Selo ang naging dahilan para sa murang isipan ng bata siya ay mahasa na.
Salamat sa tulong ng kwento Tata Selo na naging daan sa pagkamulat ng mata ng
bata.
Tata Selo vs. Saling
Ang anak ni Tata Selo na si Saling ay namamasukan bilang
isang katulong kina Kabesang Tano. Sinasabi ni Tata Selo sa anak na ito raw ay
may sakit at kinakailangan ng umuwi. Inutusan din ni Tata Selo ang bata para
sunduin si Saling na nasa silid ng Alkalde. Ngunit hindi nagtagumpay ang bata
at si Tata Selo hindi nila nasundo si Saling dahil walang sino man ang
nkakapasok sa silid ng alkalde. Ano kaya ang kinahinatnan ni Saling para
magwika si Tata Selo sa huling bahagi na ang “lahat ay kinuha na sa kaniya”?
Ang karapatan ng mga
kababihan at kabataan ay:
Ito ang mga karapatan ng
bata sa sumusunod:
1. Bawat bata ay may karapatang mabuhay.
2. Bawat bata ay may karapatang mabigyan ng sapat na pagkain at malinis na tubig
3. bawat bata ay may karapatan magpahayag ng sarili
4. Ang parusang kamatayan at ang panghabangbuhay na pagkakakulong na tinatawag na mga capital punishment ay hindi dapat ipataw sa bata para sa krimen na kanyang ginawa bago siya tumuntong ng 18 taong gulang.
5. Hindi dapat mapasailalim ang mga batasa pagpapahirap at sa hindi makataong mga parusa.
6. Tungkulin ng pamahalaan na bigyan ng proteksyon ang mga bata sa panahon ng giyera.
1. Bawat bata ay may karapatang mabuhay.
2. Bawat bata ay may karapatang mabigyan ng sapat na pagkain at malinis na tubig
3. bawat bata ay may karapatan magpahayag ng sarili
4. Ang parusang kamatayan at ang panghabangbuhay na pagkakakulong na tinatawag na mga capital punishment ay hindi dapat ipataw sa bata para sa krimen na kanyang ginawa bago siya tumuntong ng 18 taong gulang.
5. Hindi dapat mapasailalim ang mga batasa pagpapahirap at sa hindi makataong mga parusa.
6. Tungkulin ng pamahalaan na bigyan ng proteksyon ang mga bata sa panahon ng giyera.
Si
Saling ay alam naman nating minored edad pa lamang at kasapi pa sa katuparan ng
karapatan ng kabataan. Ngunit kung oobserbahang maigi ay hindi pa talaga ito
nakamit ng husto ni Saling sapagkat sa murang edad siya ay inalipin at
pinagsamantalahan ng mga dapat ay tumutulong sa kaniya. Sa halip na pagtulong
at pagligatas sa kaniya nakita sa kwento ang pagmamalupit sa kaniyang kahinaan
bilang isang babae.
Ang
Ama ni Saling na si Tata Selo ay nagpakita ng pagibig sa kaniyang anak dahil
kahit na siya ay nakakulong at wala ng magawang paraan para sa kaligtasan ng
anak, pinili pa rin niya na gawan ito ng paraan. Inutusan niya ang bata. Sa
huli kahit hindi napauwi sa Saling dahil sa nasa kamay ito ng my posisyon
ginawa pa rin ni Tata Selo ang lahat.
Tata Selo vs. Tata Selo
“Habang
nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na
sa kanila, lahat ay ang lahat ay kinuha na sa kanila.” Si Tata Selo na
pangunahing tauha sa kwento ay hayagang ding nakipagtungali sa kaniyang sarili.
Simula ng piliin niyang patayin ang Kabesang Tano para ipagtanggol ang sarili.
Ang pagtatanggol niya sa sarili at karapatan ang nagdulot sa kaniya ng
pagkikipagtunggali sa iba pang mga tauhan sa kwento.
Ang
akdang Tata Selo ay nagpakita ng iba’t-ibang tunggalian sa mga mamayan ng
lipunan. Nagkaroon ng dibisyon sa kung sino ang nagwagi at kung sino ang nagtagumpay
sa hamon ng sitwasyon. Sa kwento ni Tata Selo matapang niyang ipangtanggol ang
kaniyang sarili dahil naniniwala siya na wala ng patas sa batas. Inilagay ni
Tata Selo sa kaniyang kamay ang batas.
Kung ating pagtutuunan ng pansinin ang mga nagingpagtugon ni Tata Selo
sa bawat sitwasyon nagpakita siya ng paglaban hanggang sa huli. Hindi lingid sa
kaalaman niya na siya ay matanda na at mahina. Nakuha man ang lahat sa kaniya
nanatili pa ring matikas siya na ipaglaban ang sarili kahit alam niya na
malakas ang may mga katungkulan. Hindi niya inalintana ang kalakasan ng kalaban
ngunit ipinagpatuloy ang laban kahit sa lagay niya ay dehado na siya.
Sanggunian:
KINULONG ANG BAYAN
Ang
Bayan ko ay Pilipinas at Ako ay isang Pilipino. Bilang isang Pilipino aking
minabuti na piliing suriin ang akda na ito. Kung bakit? Ay para maunawaan ko pa
lalo ang tulang ito ng hindi ko lamang kinakanta. Sa halip ay mas malaman ko
kung bakit ito dapat kantahin. Ano nga ba ang pinagmulan nito? Ano nga ba ang
nais ipahatid nito? Ano ang kahulugan sa likod ng tulang ito? Ang tulang bayan
ko ay paulit-ulit na nating naririnig na inaawit o tiutula ngayon naman ay
ating alamin kung ano nga ba talaga ang nais ipahiwatig ng tulang ito.
Ang
orihinal na bersiyon ng Bayan ko ay Spanish na isinulat ni José Alejandrino. Si Jose Corazon De Jesus
naman ang sumulat ng Tagalog bersiyon nito at nilapatan naman ng awit ni
Constancio de Guzman. Marami na ang gumawa ng iba’t-ibang bersiyon nito ng tula
may Ingles (My Country) at Spanish (Nuestra Patria), gayundin naman sa kung
paao ito aawitin. Ilan sa mga nagpasimuno na kantahin ito ay sina Freddie
Aguilar, Lucio San Pedro, Asin at siempre si Constancio de Guzman.
Upang lalo natin itong
maunawaan susuriin natin ang akda sa pamamagitan ng Historikal na dulog.
Sapagkat makikita naman natin sa akda na ang nakatuon ang mensahe ng tula sa
mga pangyayari sa ating inang bayan.
Kung pagbabatayan ang tulang
ito kapansin-pansin na marami na talaga ang nagkaroon ng interes sa kantang
ito. Nagpasalinsalin na sa bibig ng marami dahil pati sa mga eskwelahan,
martsa, pagaalsa o presentasyon ay inaawit ito. Parte na nga ang “Bayan Ko” ng
Kasaysayan ng Pilipinas. Kasaysayan na rin lang ang paguusapan ang dulog na
ating ilalapat ay Historikal. Sapagkat ating aalamin kung bakit nga ba noon pa
lamang ay inaawit na ito sa mga mahahalagang pangyayari sa bayan? Ayon sa
website na tagalog.com ang kantang Bayan Ko ay naging pinaka popular na awitin
sa Panahon ni diktatoryal ng dating Presidente Marcos.
BAYAN KO
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.
Katulad ng adhikaing sinasabi ng tulang ito
marami sa atin ang nagnanais na makitang tunay na Malaya ang bayan. Ngunit
Paano nga ba nagmula ang pagkakakulong ng bayan?
“At sa
kanyang yumi at ganda“ Sinasabi
nga sa kanta ang Pilipinas raw ay sadyang may angking yumi at ganda. Kung
iisiping maigi hindi ba’t pag ang isang bagay ay may taglay na kagandahan
marami ang nahuhumaling at pinagaagawan ito? Tama! Katulad na lamang ng
pagaagawan ng ilang mga bansa sa bayan ng Pilipinas. Totoo nga siguro na
kahali-halina ang bayan natin katulad ng sinasabi ng tulang ito.
Ang kagandahang taglay ng Pilipinas ay hayag
na hayag sa mga likas na yamang mayroon ito. “Lupain ng ginto’t bulaklak” sabi sa tula na may katotohanan
talaga. Sapagkat hindi lamang sa yamang mineral mayaman ang Pilipinas dahil
maging sa mga natatanging halamang at pananim na mayroon ito. Ilan na riyan ay
ang Saging at Mangga na talaga namang paborito ng maraming Pilipino. Magandang
tanawin ba kamo? Nariyan ang Undderground River, Boracay White Beach, Pagudpud,
Light House view sa Batanes, Chocolotae Hills at marami pang iba. Dahil sa
angking kagandahan ng Pilipinas kaya nabuo rin ang kantang “Piliin mo ang Pilipinas” ni Angeline Quinto.
“Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.”
Nagsimula ito sa pananakop ng mga ibang bayan
sa Pilipinas sa pangunguna’t pagdating ng sikat na sikat na si Ferdinand
Magellan sa Homonhon. Ito ay sinundan pa ng ekspedisyon ni Miguel Lopez De
Legazpi sa noong 1565. Ang mga kastila ay naghari sa ating bayan sa loob ng 333
na taon. Sa aking palagay ang 333 na taon ng pagkakakulong bayan ang sakit na
sinasabi sa tula “Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak”. Ang
haba ng panahon ng pananakop ng espaniyol ay hindi isang biro sapagkat halos
sila na ang bumuo at humulma ng ating sariling lipunan. Wala tayong kalayaan
mula sa kanilang mga kamay naka kulong tayo.
At sa naganap ng Digmaang Espaniyol-Amerika
tuluyan na tayong nabingwit ng mga Amerikano. Matapos ang 333 na taon sa kamay
ng mga Espaniyol tali naman ng mga Amerikano ang humila sa atin. Ang mga
Pilipino at Amerikano ay nagkasundo pa na magtulungan na labanan ang espanya
ngunit sa huli ay nakita ang tunay na pakay nila sa ating bayan.ang pagsakop na
ito ay pinamunuan at pinangunahan nila Taft at Mc Arthur.
Hindi pa napagod ang ibang bayan na sakupin
tayo kaya’t naganap ang Ikalawang digmaang pandaigdig na pinangunahan ng mga
Hapones. Ang mga Hapones naman na ito ang sumunod na nagbalak sakupin ang ating
bayan. Nabuo ang Hukbalahap na naglalayong labanan ang mga Hapones na nasa
ating bayan.
Ano nga ba ang pakay nila sa atin? Ano pa nga
ba kung hindi ang kagandahang taglay ng Pilipinas. Marami silang maaring gawin
at ipagawa sa ating bayan na magbubunga ng malaking tulong at kapangyarihan sa
kanilang bansa.
Ang Ikatlong Republika at Malayang Pilipinas
ay naitatag matapos mapaalis ang mga mananakop sa ating bayan. Si Pangulong
Manuel Roxas bilang unang Pangulo ng Malayang Pilipinas. Ang mga labanan,
agawan sa lupa at pamunuan ay hindi pa rin tumigil at natapos. Bawat isa sa mga
naging presidente simula kay Pres. Roxas hanggang Macapagal ay nagkaroon ng
iba’t-iba at patuloy na mga isyu tungkol sa kasarinlan ng bayan.
Tunay nga ba na Malaya na tayo?
Sa pagsusuring ito natunghayan ko na hindi pa
talaga tuluyang Malaya ang Pilipinas. Sinabi nga sa mga unang pagpapakahulugan
na ang tulang ito ay sikat na inawit sa panahon ni dating president Marcos. Ano
nga ba ang kaganapan sa panahon ni pangulong Marcos? Siya ay namuno sa ating
bayan sa mga taon ng 1965-1986 ang kaniyag pamumuno ang nagdala sa Pilipinas sa
rurok ng tagumpay. Ang pamunuan ni Marcos noon ay talaga namang maganda dahil
siya ang nagpayaman sa ating bayan. Ang kaniyang plano sa bayan ay maganda
talaga pero sa bandang huli siya ay naging sakim. (Sonio, 2009) Ang batas
military ang nagpatunay ng pagkakakulong mga Pilipino. Ngunit ano nga ba ang
batas militar? Ayon sa WikiFilipino website ang Isa
sa mga layunin ng pagdedeklara ng Batas Militar ay ang pagtatatag ng isang
bagong lipunang makatao, maka-Diyos at makabayan at may pitong haligi. Ito ay
ang (1) pambansang pagkakaisa, (2) pambansang pagkakakilanlan, (3)kaunlaran at
kasaganaan, (4) demokrasya salig sa maraming paglahok ng tao, (5) katarungang
panlipunan, (6) internasyonalismo at pakikiisa sa sanlibutan at (7)kalayaan sa
paniniwala. Pitong aspeto naman ang binibigyang-diin ng mga programang
pangreporma: (1) ang katahimikan at katiwasayan, (2) lupa at sakahan, (3)
kabuhayan, (4) edukasyon, (5) reorganisasyon ng pamahalaan, (6)paggawa at (7)
serbisyong panlipunan. Kung pagninilayan ang mga layuning ito maganda ang nais
ipahiwatig ngunit sa mga ngyari noong panahon ni Marcos ay saliwa sa kaniyang
mga layuning nais. Ang pagawit ng mga mamayang Pilipino sa kantang ito
ay nagpapahayag ng kanilang pagnanais na lumaya sa mga kamay ng dating
pangulong Marcos. Natigil lamang ang paghahari ng batas militar dahil sa
pagkilos ng simbahan na pinangunaha ng dating Santo Papa na si John Paul II.
Ang mga Pilipino ay nakaranas ng iba’t-ibang
pananakop, pagsakop ng mga taga ibang bansa at maging ang sariling kalahi. Sa
kasalukuyang panahon kung ating susuriin makikita na hindi pa talaga naging
lubos ang kalayaan ng mga Pilipino. Hindi pa rin totoong nakakanta o natutula ng
mga Pilipino ang mga linyang:
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.
Hindi pa lubos na nakakamit
ang pangarap para sa bayan. May mga lugar pa rin sa Pilipinas na hindi na mga
Pilipino ang namamayani ang ilan sa kanila ay Tsino, Hapon at Arabo. Hindi rin
maitatanggi na ang mga Pilipino ay mas nagpapahalaga sa mga pamumuhay na meron
ang ibang bayan. Paano? Bakit? Sapagkat patuloy tayong nahuhumaling sa mga
Koreanoveal, Kpop, Korean Artist, Hollywood stars, Hollywood Songs at madami
pang iba. Hindi man hayagan ang pananakop na ito kinakikitaan pa rin ito ng
kalamangan ng ibang bayan sa ating bansa.
Ang mga Pilipino sa kasalukyang panahon ay
nahohook pa rin sa kabuhayang mayroon ang ibang bayan. Ag kasaysayan ng walang
laying Pilipinas ay wala pa ring kalayaan sa kasalukuyang panahon. Hindi man
tayo literal na sakop ng malalaking bansa sakop naman tayo sa paraan kung paano
tayo mabuhay. Ang pamumuhay ng mga Pilipino ay nagpapakita ng buhay na may
pananakop pa rin.
Ang
mga Pilipino sa kasalukuyan ay bumubo pa rin ng kasaysayan ng may pananakop.
Pananakop ng mga taga ibang bansa hindi man sa literalna paraan sa kagustuhan
at sosyalidad na pamumuhay.
Sanggunian:
Huwebes, Abril 11, 2013
Pagsipat-Peminista ni Rizal sa Katauhan
nina Maria Clara, Salome at Sisa
Ang
kakaibang paraan ni Dr.Rizal sa Pagbuo ng Ideya, Persepsiyon, Pananaw,
Obserbasyon at Pagsusuri ay talaga namang kahanga-hanga. Ang Pananaw ni Dr. Rizal sa mga Pilipino ay
nagkaroon ng malaking epekto sa pagbuo ng katauhan at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Kung ating susuriing mabuti malalaman natin na sa mga akda ni Dr. Rizal
inilarawan at binigyan niya ng simbolismo ang mga kaugaliang kaniyang naobserbahan
sa mga mamayang Pilipino. Isa na nga rito ay ang pananaw ni Dr. Rizal sa mga
Dalagang Pilipino sa kaniyang Panahon.
Ayon kay Franco (2009) Mahihinhin, Malalambing
at Mababait ang paglalarawan ni Dr. Rizal sa mga kababaihan noong kaniyang
panahon. Nakita niya rin ang mga implikasyong ito sa isang Babaeng Pilipina
palagiang pagsunod sa awtoridad nang walang pagkwestyon, na siyang nagiging
dahilan naman ng pananatiling ignorante. Ang Pag-aaral noong panahon ni Dr.
Rizal ay ipinagkait rin sa mga Pilipina na taliwas sa mga nakita niya sa mga
pinuntahang lugar partikular na ang Alemanya. Hindi naging maganda ang naging
unang pananaw ni Dr. Rizal sa mga Kababaihang Pilipina sa kaniyang panahon
sapagkat kaiba ito sa mga naobserbahan
niyang kilos at pamumuhay ng mga babae sa Alemanya. Ayon parin kay Franco
(2009) Naobserbahan raw ni Dr. Rizal na sa bansang Alemanya raw ang mga
kababaihan ay mga babaeng palaban, ang iba ay mas brusko pa ngang kumilos kaysa
sa mga lalake. Sila rin ay seryoso at masipag sa pag-aaral, at hindi nila
masyadong pinapahalaghan ang kanilang panlabas na itsura, gaya ng kanilang mga
damit o mga alahas sa katawan. Naikumpara ni Dr. Rizal ang mga Kababaihang
Pilipina sa mga taga-Alemanya. Batay kay Dr.Rizal ang mga kababaihang Pilipino
sa halip na pag-aaral at pagkatuto ang kanilang kinahuhumalingan, ay mga bagay
na patungkol sa damit, mga bagay na materyal ang iniintindi. Gayun din niya
tinignan ang mga babae sa sentro na para bang hindi raw mabubuhay ng walang
tumutulong sa kanila kahit pa sa pagbubukas lamang ng payong.
Ang pananaw na ito ni Dr. Rizal ay
nagbago ng mabasa at mabalitaan niya ang tungkol sa liham ng mga Kababaihan ng
Malolos. Ngunit, Ano nga ba ang laman ng liham na nagpabago sa pananaw ni
Rizal? Ayon kay Rizal ang mga kababaihang taga malolos ay mayroong mulat na
kaisipan sa tunay na sitwasyon at kalagayan ng bayan. May mga kababaihan na raw
pala na nakakaunawa ang relihiyon ay hindi lang pagdarasal, pagnonobena,
pagrorosaryo at paghawak ng bibliya ngunit mas mahalaga
ang pagkakaroon ng magandang ugali, matibay na paninindigan, tuwid na panghuhusga at ang pagkamasunurin ay hindi lamang sa mga prayle kundi ang pagsunod din sa kung ano ang makatwiran at tama. (David, 2006) . Ang mga kababaihang taga-Malolos ay may mga kaya sa buhay kaya’t kung iisipin bakit pa nila gugustuhing matuto ng Espanyol? Bakit pa nila ninais ang Edukasyon? Dahil rito nagbunga lalo ng kasiyahan kay Dr. Rizal ang mga naganap na ito. Ang liham rin ni Dr. Rizal ay nagpatibay na ang mithiin sa karunungan ng mga Kababaihan ng Malolos ay patunay na mulat na sila sa kanilang tunay na tungkulin sa Inang Bayan.
ang pagkakaroon ng magandang ugali, matibay na paninindigan, tuwid na panghuhusga at ang pagkamasunurin ay hindi lamang sa mga prayle kundi ang pagsunod din sa kung ano ang makatwiran at tama. (David, 2006) . Ang mga kababaihang taga-Malolos ay may mga kaya sa buhay kaya’t kung iisipin bakit pa nila gugustuhing matuto ng Espanyol? Bakit pa nila ninais ang Edukasyon? Dahil rito nagbunga lalo ng kasiyahan kay Dr. Rizal ang mga naganap na ito. Ang liham rin ni Dr. Rizal ay nagpatibay na ang mithiin sa karunungan ng mga Kababaihan ng Malolos ay patunay na mulat na sila sa kanilang tunay na tungkulin sa Inang Bayan.
Alam
din naman natin na si Dr. Rizal ay nagkaroon ng mga babaing karelasyon. Kanino
pa ba niya malalman, makikita at maoobserbahan ang katangian ng isang babae?
Ang mga mabubuting katangian ng isang babae para kay Rizal ay matatagpuan din
sa mga babaeng minahal niya. Halimbawa ay kay Nelly Bousted na matalino at may
malawak na pananaw sa buhay kay Josephine Bracken naman ang kakayahan sa
pagtitiis at disiplina sa sarili. (Franco, 2009) Hindi rin natin maitatanggi na
Ang Pinakamamahal na Ina ni Dr. Rizal ang pangunahing pagkakakilanlan niya sa
isang babae. Ang inang si Donya
Teodora Alonzo ay ang mapagmahal, mapag-aruga, mapagkalinga at naging guro
mismo ni Dr. Rizal. Gayun din ang isa pang babae na mahalaga sa buhay ni Dr.
Rizal at sinasabing pinakmamahal niya higit sa lahat ay si Leonor Rivera. Sino
nga ba si Leonor Rivera? Ayon kay
Bautista (2008) Isang magandang dalagang pinsan ng ating pambansang
bayani na taga-Camiling, Tarlac. Unica hija o tanging anak ng
mag-asawang Antonio Rivera at Silvestra Bauzon. Mahinhin kumilos. Maputi
o flawless ang kutis ni Leonor Rivera. May katangi-tanging kagandahan.
Kaakit-akit at maganda ang kanyang tindig bagamat may kababaan nang kaunti.
Matalino at may maliwanag na pagkukuro.
Ang mga Pananaw na ito
ni Dr. Rizal sa Mga Kababaihan ang naging pamantayan ng kanyang Pananaw na
Peminista sa nobela niyang Noli Me Tangere. Dahil nga sa pagiging mapagmasid at
mapanuri ni Dr. Rizal nailapat niya ito sa pagbuo ng mga tauhan sa nobela. Kung
pag-aaralan mabuti iba’t-iba nga talaga ang maaring madapuan at maparinggan ng
nobela ni Dr. Rizal. Ito ay maaring maging tungkol sa mga tao, kilos, lugar,
tradisyon, relihiyon, sitwasyon at mga pangyayari.
Malalaman natin sa Pagsusuring ito
kung paano pinagbatayan ni Dr. Rizal ang kaniyang sariling mga naranasan sa
pagbuo ng katauhan ng tatlong kababaihan sa nobela, sina Maria Clara, Sisa at
Salome. Ang Peminismong pananaw ni Dr. Rizal sa tatlong (3) napiling tauhan ang
ating pokus sa Pagsusuri. Bago pa man patuloy na pasimulan na ilatag ang mga
datos, atin munang alamin kung ano ba ang salitang Peminismo? Peminismo ang mga
kababaihan ang nasa sentro ng kwento. Dito ipinapakita ang kahinaan, kalakasan,
at maging katayuan nila sa lipunan (Gallardo, 2013). Samaktwid ang Peminismo ay
tumutukoy sa Babae at wala ng iba pa. Ating aalamin kung paano nilikha ni Dr.
Rizal ang tatlong tauhan na mayroong pananaw ng Peminismo.
Si Mari Clara Delos Santos
Ang istruktura ng salitang Maria
Clara sa pagiisip ng karaniwang Pilipino ay Mahinhin, Kimi, hindi makabasag
pinggan, Tahimik, Maganda at Masunurin. Ganyan ang ating konstruksyon ng
salitang iyan na palagi nating naririnig na ginagamit ng mga matatanda. Sino
nga ba ang tunay na Mari Clara? Sa nobelang Noli Me Tangere siya ay ang
kasintahan ni Crisostomo Ibarra na Anak nina Donya Pia Alba at Padre Damaso na
Pinalaki naman nila Kapitan Tiyago at Tiya Isabel. Si Maria Clara ay galling sa mayamang
pamilya, may kapangyarihan at tanyag sa lipunan. Maraming mga Kalalakihan ang
nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Ngunit, ang tunay na Mari Clara ay
nagtatago sa likod ng kayang pamapay at panyo. Paano? Sapagkat siya ay
masunuring anak, imbis na gawin ang mga nais ay nakakulong na lamang sa
alituntuning itinakda ng kaniyang lipunan. Si Tiya Isabel na nagaalaga kay
Maria ang nagnanais na matupad ang kaniyang pagmomongha. Karagdagan pa nito ang
Kabanatang Suyuan sa Asotea rin ang nagpakita ng isa pang tagong paguugali ni
Maria Clara ang pagiging malambing nito na siya pang nangunguna sa Pagyakap kay
Crisostomo Ibarra. Kapansin-pansin din ang kababaang loob ni Maria Clara ng
tulungan niya ang isang ketongin sa labas ng simbahan. Ibinigay niya rito ang
kaniyang kwintas na may agnos na ibingay ni Kapitan Tiyago sa kanya. Si Maria
Clara ay naglalarawan sa isang matapat na kaibigan para sa mga kasakasama
niyang sina Andeng, Sinang at Victoria. Isa lamang ang hindi gaanong napansin
kay Maria Clara siya ay hindi nagbibigay ng opinsyon tungkol sa simbahan o sa
pamahalaan. Si Maria Clara ay naging representasyon ng mga babaeng sumusunod
ayon sa sinsabi ng kaniyang lipunan.
Si Salome
Si
Salome ay isang ulila, mahirap, karaniwang miyembro ng lipunan, indio kung
tawagin, subalit mapangahas, matatag, matapang, may paninidigan at sumusuong sa
anumang hamon ng buhay. Ang mga pangyayari sa buhay ni Salome ang nagpapakita
kung sino talaga siya. Paano? Nakatira siya tabing ilog, mag-isa lamang siya at
walang kasamang pamilya. Sa kabila ng paghihirap naghahanapbuhay siya para
matustusan at mabayaran ang utang na iniwan ng kaniyang mga magulang.
Karaniwang pananamit para sa isang dalagang nakatira sa tabi ng ilog
tagpi-tagpi at may sulsi. Sa kabanata 25 Ipinakita ni Salome na tapat siya sa
pag-ibig ni kay Elias, sapagkat hinayaan niya ito na gawin ang kaniyang
tungkulin. Bago pa man magananap ito pinapangarap na ni Salome ang simpleng
pamumuhay kasama si Elias, gusto niya na lumayo na lamang sila para bumuo ng
isang masayang pamilya. Ang mga pangarap na ito ni Salome ay naglaho ng
magdesisyon si Elias na gawin ang kaniyang tungkulin. Nanatiling nakatayo,
nakatitig sa mga mata ni Elias ang matapang na si Salome. Ipinakita niya na
handa siyag ibigay ang lahat para sa kaniyang matapat at disiplinadong pagibig.
Ang karakter ni Salome ang nagbigay ng magandang hamon para sa karakter ni
Elias sapagkat sa Kabanata X nga ipinakita ang matinding pagibig ng dalawa para
sa isa’t-isa. Hindi man naging matagumpay ang para sa kanilang dalawa ay
nakayanan nila na ipagpatuloy ang buhay kahit pa sa naudlot na pagibig. Naging
matagumpay ang paghihiwalay ng dalawa hindi ito humantong sa mga maaksiyon at
mahirap na hiwalayan. Dito ipinakita ni Salome ang kaniyang tunay na katapangan
at katapatan para sa pagibig. Si Salome ay larawan ng isang matapang na
Pilipina na handa ring isakripisyo ang bahagi ng buhayp para sa kaninyag mahal
na bayan.
Si Narcisa
Si Narcisa ay ang ina ng dalawang
Sakristan na si Crispin at Basilio. Pedro naman ang pangalan ng kaniyang asawa.
Si Pedro ay sugarol, sabungero at amang walang pagmamahal para sa pamilya.
Subalit dahil sa pagmamahal nanatiling Martir si Sisa sa lahat ng pananakit ng
kaniyang asawa. Sa kabila ng mga
pananakit ng asawang si Pedro nagpapakita pa rin siya ng lubos na pagmamahal sa
kanyang mga anak. Hindi natahimik hanggang mahanap at muling makasama ang
kanyang mga nawalay na anak. Isang gabi nga noon ay ipinaghanda ni Sisa ang kaniyang
mga anak dahil alam nito na uuwi ang mga ito kasamaang palad ay kinain ito ng
kaniyang asawa na si Pero bigla na lamang itong dumating at inubos ang inihanda
para sa mga anak. Hindi nanlaban si Sisa sa ginawa ng asawa, mapalad na lamang
siya dahil hindi siya nabugbog nito. Hindi nalaman ni Sisa ang tunay na ngyari
sa mga anak ng gabing iyon dahil hindi naman inilahad ni Basilio ang mga
totoong pangyayari. Kinabukasan ay nagpunta siya sa Simbahan at nagulat na
lamang dahil wala raw doon ang anak na si Crispin. Hindi makapaniwala si Sisa
sa ibinibintang nilang ginawa ni Crispin pero mas masakit para sa kaniya na
hindi na niya malaman kung nasan na ang kaniyang anak. Napailalim ang katauhan
ni Sisa sa isang lipunang Patriarkal, may asawa nga wala naming nagagawa at
halos hindi na talaga niya masandalan sa buhay. Ang mga pangyayaring ito sa
buhay ni Sisa ang nagdulot sa kaniya ng malaking depresyon. Isang ina na
nagmahal ng labis sa mga anak ang tuluyang nawala sa katinuan ng mawala rin ang
kaniyang mga anak. Si Sisa ay naging representasyon ng mga dakilang ina sa
lipunan na nagbigay ng tunay na kahulugan ng pagiging ina sa batayan ng
pagmamahal sa kaniyang pamilya.
Dinamiko, Kakaiba ang pagkakabuo at
talagang may importansiya sa lipunan ang mga kababaihan sa nobela ni Dr. Rizal.
Ito ay naglarawan sa mga tunay na babae sa kaniyang panahon maging sa kaniyang
personal na buhay. Hindi lamang nagpokus si Dr. Rizal sa isang anyo ng babae sa
halip ay ipinagyaman niya ng hulma sa bawat isang babae sa nobela. Ipinakita ni
Dr. Rizal ang kaniyang Pananaw Peminismo sa nobela batay sa kung paano niya
hinulma ang mga tauhan sa nobela. Hindi maikakaila na may lawak at kakaibang
dimensiyon ang pagtingin ni Dr. Rizal sa mga kababaihan hindi lamang sa iisang
anggulo bagkus sa lahat. Sa aspekto ng pagiging mayaman, mahirap, may katayuan
sa lipunan, simpleng Ina, simpleng babae, at sa kalagayan ng isang babaeng
umiibig. Hayag ding ipinakita ni Dr. Rizal ang tunggalian sa katauhan nina
Maria Clara at Salome sapakat ipinakita niya rito ang dalawang magkaibang
pagtingin sa isang babae panlabas, panloob at sa paguugali. Kabahagi pa rin ng
paglalarawan at representasyon ni Dr. Rizal ang panahon bago dumating ang
kolonyal at inihayag nga niya ito sa katauhan ni Sisa.
Aking Iuugnay ang tatlong katauhang
aking sinuri sa tatlo ring pinakamahalagang babae sa buhay ni Rizal. Unahin
nating suriin ang katauhan ni Maria Clara masasabi na siya ay may pagkakatulad
kay Leonor Rivera dahil sa ilang mga pangyayari. Ipinakasal kay Henry Kipping na
ipinilit ng ina ni Leonor Rivera. Si Maria Clara naman ay pinipilit ng kaniyang
ama na si Padre Damaso kay Linares. Namatay si Leonor Rivera matapos ipanganak
ang pangalawang anak kay Kipping samantalang si Maria Clara na hindi natuloy
ang kasal kay Linares ay nauwi sa pagmomongha at hindi kalaunan ay nagkasakit
at namatay. Ayon nama kay Bautista (2008) si Leonor Rivera ay ang Maria Clara
sa Noli me Tangere sapagkat para rito raw ang sulat ni Crisostomo kay Maria
Clara. Ang liham na ginawa ni Rizal sa katauhan ni Ibarra ay para talaga kay
Leonor Rivera at ang mga pangyayari sa Suyuan sa Asotea ay tungkol sa
pagpapahalaga niya sa mga alaala ng walang hanngang pagibig kay Leonor Rivera.
Pangalawa ay si Salome at Josephine
Bracken, Paano? Hindi ba’t si Rizal ay namatay na gumagawa para sa bayan?
Gayundin sa kaso ni Elias na kasintahan naman ni Salome, namatay na hinahanap
ang kalayaan at sagot sa problema ng bayan. Ang pinagkaiba lamang ng dalawa ay nagpatuloy
ang pagibig ni Rizal at Bracken na pinatunayan ng isang tula na ginawa ni Rizal
para sa iniibig. Ang pagibig nila Rizal at Bracken ay dumaan rin sa maraming
pagsubok sapagkat ang bata pang si Josephine ang naging nurse sa may mga sakit
sa panahon ng digmaan. Tintulungan niya si JOE (Dr. Rizal) sa mga pangagamot
nito sa mga sugatang kababayan. Hindi rin sila ikinasal noong nasa dapitan pa
lamang sila, kaya’t sila ang nagkasal sa isa’t isa. Nagsama silang parang
magasawa noong nasa dapitan pa lamang sila. Karagdagan pa nito ay ang panahon
kung saan si Dr. Rizal ay binaril na, naiwang magisa si Josephine dahil sa
namatay rin ang kanilang anak. Sa kabilang banda si Salome na magisa sa matagal
na panahon umasang pipiliin siya ni Elias subalit nagkamali siya naiwan pa rin
siyang magisa at umuw na sa bayan ng Mindoro. Magkagayon man ay matapang
hinarap ng ni Salome ang buhay sapagkat sanay na naman siya na magisa. Ang
dalawang babae na ito sa magkaibang panahon ay nagkaroon ng pagkakapareho sila
ay may angking tapang at paninindigan.
Pangatlo ay si Sisa at ang inang Si
Dr. Teodora Alonzo na parehong may hindi matatawarang pagibig sa kanilang
pamilya. Bata pa lamang ang magkakapatid na Rizal ay alagang alaga na sila ng
kanilang Ina, at siya ay naging guro pa ni Rizal mismo.siya rin ay direktang
tumutulong sa kanilang pangkabuhayan at nagpaplano para sa kanilang gastusin sa
araw-araw. At isa pa rito ay yung pagpilit palakarin si Donya Teodora Alonzo ng
nakapaa mula Calamba hanggang sa Sta. Cruz dahil sa pinagbintangan siyang
kumamkam sa sariling lupain.Pinahirapan ng husto ang ina ni Dr.Rizal upang
magisa itong humarap sa mga problema ng kanilang pamilya. Gayundin ang Makita niya mismo ang
pagpapahirap sa kanyang anak na s Dr. Rizal ng barilin ito sa Luneta.
Sakripisyong matatawag ang lahat ng ginawang ito ni Donya Teodora para sa
kaniyang pag-ibig sa pamilya. Hindi man naging baliw si Donya Teodora tulad ni
Sisa naging malapit pa rin ang kwento ng dalawa. Sa buhay naman na kinaharap ni
Sisa sa pagkawala ng anak, ang pagpapahiya sa kaniya ni Donya Consolascion at
ang paglalakad lakad niya sa bayan ng San Diego para sa paghahanap sa mga
nawawalang anak. Ang pagmamahal na ipinakita ng kaniyang pagaalaga at pagaaruga
sa mga anak. Nawala sa pagiisip si Sisa dahil sa labis na pangungulila sa mga
anak, samantalang nagpatuloy ang buhay at paglaban para kay Donya Teodora na
naging inspirasyon ang anak niyang si Dr. Rizal.
May iba-iba tayong pananaw kung
papaano natin nakikita ang katauhan ng mga tao sa paligid natin. Pero katulad
ni Dr. Jose Rizal napakayaman ng kaniyang mga akda na kinakitaan ng mga
pangyayari sa kaniyang tunay na buhay. Mga pangyayari na pwdeng magugnay bago
ang nobela, habang ginagawa ang nobela, matapos ang nobela at pati na rin ang
matapos ang buhay ni Dr. Jose Rizal. Ang pananaw ng ating bayani sa kahalagahan
ng mga babae sa lipunan ay sinariwa, nilarawan at inirepresenta niya ayon sa
kaniyang mga karanasan, nabasa, naobserbahan at nakasalamuha. Sa ginawa niyang
nobela hindi siya nagpokus sa isang kasiraan o kataasan ng isang babae lamang
bagkus ipanakita niya ito sa iba’t-ibang paraan at mga tauhang babae. Masasabi
ko na hindi lamang ang mga pangyayari sa nakaraan ang maaring iugnay sa mga
kababaihan sa nobela maging sa hinaharap. Inilalarawan pa rin ng mga ito ang mga
babae sa kasalukuyang panahon. Kumbaga ang nobela ni Rizal para sa akin ay
maaring Makita sa lahat ng edad, panahon at pangyayari kung bubukasan mo lamang
ang iyong mga mapanuring mata.
Linggo, Abril 7, 2013
pasimula
bakit ko nga ba ginawa ang blog na ito? actually gusto ko talaga na maibahagi ang mga personal na karanasan ko sa aking buhay. . . hihi bakit? kasi alam ko. alam ko na kakaiba ang buhay ko paano ko nasabi? dahil Diyos ang bumubuo nito.. Siya ang nagbabago at nagdidisenyo.. :)
gusto kong maibahagi ang aking kakaibang buhay :0 bakit? para makapaginspire ng iba, para mapakilala sa mga tao ang Diyos na bumuo ng buhay ko :)
sa ngayon ayan muna.. <3
gusto kong maibahagi ang aking kakaibang buhay :0 bakit? para makapaginspire ng iba, para mapakilala sa mga tao ang Diyos na bumuo ng buhay ko :)
sa ngayon ayan muna.. <3
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)